ABOUTDROPBOXEPISODE LISTARCHIVE


Sunday, May 8, 2011
[ episode 1 ] Hei!Sei! Season 1 backstage special: @ 9:43 AM

HEISEI SEASON 1 BACKSTAGE SPECIAL:
-subbed by: NEWShfan-


-from Studio 4, SBS Station........
audience: wooooooohooooooooo!!!!!!! (clap clap clap)
Kana Nishino (singer): Minna-san!!!!!!!!! Ohayou Gozaimasu! Nishino Kana desu!
Matsumoto Jun (Arashi.. duh?): Matusmoto Jun desu! Were your host and guide into this Generation's biggest drama hit,
both: HEISEI!
Kana: Yeeeeeeeesssssss...... and talagang excited po kami ngayon ni Jun na ihatid sa inyo lahat ng mga behind-the-scenes footage, exclusive interviews, and spoofs na nangyari... during the set of filming.
Jun: Tama, Kana-chan. And every show po namin, meron kaming mga guests na casts from the show na, mag-s-share sa atin kung
ano yung mga experiences nila while on set.
Kana: Really? ay, nako! kung ganon eh mga audience and live televiewers diyan, Im sure na itong week-long special show na
to eh hindi bibitawan ng mga fans at supporters nila no?
Jun: Yes, Kana. So, mga audience, excited na ba kayo diyan?
audience: ( sobrang lakas ng hiyawan )
Kana: I guess excited na sila partner, so... let's start!
Jun: ( taas ng kamay ) YOSH!

=COUNTDOWN sa screen=

~5...4...3...2...1... ACTION!

HeiSei cast: Minna-san, ohayou gozaimasu!
Shizuka: watashitachi wa.... (we are...)
HeiSei cast: HeiSei desu!
Yuki: ipapakita po namin sa inyo ang ilan sa mga behind-the-scenes videos, footages, at ang nakakatawang scandal ni Chinen!
Chinen: uy, wag naman sa harap ng camera! nakakahiya!
Yuki: ( natatawa )
Shizuka: LALO na po yung scandal ni Chinen-kun.
Chinen: UY!! wag nga kayo.
Jeanne: kaka-umpisa pa lang eh rambol na kayong lahat.
Rahzel: well.. ganito po talaga kami offcam, normal lang po sa amin yan. ;)
Ishiguro: mga bata, tigilan niyo na yan... naka-record kayo oh.
Chinen: kuya ( camera-man ) di po ba pwedeng i-edit yan?
Daiki: wag na! para masaya.
Ryosuke: tsaka para naman ma-turn-off mga fans sa iyo.
Yuto: talagang gusto mong gumanti sa kanya eh.
Ryosuke: kasalanan naman niya na nahulog ako sa hagdan ng bus eh~
Naide: kabataan nga naman.
Miyuki: so... let's start? (smile)
Hayato: VTR.........starto~ :D

=SBS Station building / 4th floor=
>>>CONFERENCE ROOM<<<

-wala pang masyadong tao sa loob ng conference room, maliban sa director, manager, ilang mga staff at film crew-
( dahan-dahang bumukas yung pinto )
Yuki: a-ah... Ohayou Gozaimasu. (bows)
Director: Ohayou. :)
Yuki: a..ako pa lang po ba?
Manager: oo.. ang aga mo ah.
Yuki: hehe (nahihiya pa)
(biglang bumukas ulit yung pinto)
Ike: sorry po! late na po ba ko?
Direk: ah, hindi pa iho. Ang aga mo nga eh... upo ka na.
Ike: salamat po.
(isa-isang nag-datingan ang lahat ng mga cast)
Staff: boss, nandyan na po ang Hey!Say!JUMP.
Direk: ganun ba? mabuti naman.
Rahzel: (pabulong) psst... Natsume-chan? Hey!Say!JUMP ba daw? as in yung sikat na HEY!SAY!JUMP?!
Yuki: ( pabulong din ) sana nga! hihihihi..... fan nila ako eh.
Jeanne: ( nakisali sa bulong-bulungan ) HSJ daw? ay, grabe naman... mukhang malaki talaga tong project na to.
( biglang bumukas ang pinto at may 6 na lalake ang pumasok, may kasamang PA at manager )
Keito: ah, ohayou gozaimasu, minna. (bow)
Chinen: Ang dami na natin dito ah.
Ryutaro: ( naglalaro ng PSP )
Ryosuke: ( nagbabasa ng manga )
Yuto: ( napansin sila Jeanne ) tama si Nishimura-san ( yung manager nila )
Daiki: tama na ano?
Yuto: ang daming bagong discover na  artista o... grabe... saan kaya nila nahagilap yang ganyang klaseng hitsura?
Daiki: bilib din ako sa mga talent scouts ng SBS ah.
Ryutaro: ( tinigil mag-PSP ) wow naman,... siguro mga model yang mga yan.
Keito: ...... siguro.

-after a while:-

Direk: o, nasan na yung gaganap na Shizuka? ba't wala pa, mag-s-start na tayo ah,
Keito: direk, excuse lang po, mag-c-cr lang.
( tumayo si Keito at kalmadong papunta sa pinto, kaya lang nung aabutin na niya yung doorknob.... )
BOOOOOGGGGGSSSSSSSSSHHHHHHHHHHH
( natamaan si Keito sa mukha ng pinto, at nadaganan sa sahig )
Shizuka: ah!!!!! sorrypodirekna-flat-an-akongbiketumakbonalangakopapuntadito!!!!!!!!!! ( nagmamadaling nagsasalita )
Ike: ah, miss... may nadaganan ka o.
Shizuka: ( nakita si Keito ) ah! sorry po... di ko sinasadya.. nagmamadali ako eh.
Keito: ( dahan-dahang tumayo ) halata nga..
( at nagsi-tawanan yung mga nasa conference room )

-fast forward-

Direk: okay, so... pwede bang magpa-kilala sa atin yung mga bago dito sa industriya?
Yuki/Shizuka/Rahzel/Jeanne/Ike/others: hai!
Direk: okay, umpisahan natin kay......... Yuki.
Yuki: (tumayo) Natsume Yuki desu. Juu-hachi (18 y.o.) sai desu. Nag-a-aral po ako sa Shiroi Academy, highschool senior.
Direk: Shiori Academy? nako... pugad yun ng mga magagaling na singer. Magaling daw silang mag-cultivate ng talents dun.
Yuki: ah... opo.
Rahzel: (tumayo) Hanata Rahzel desu. Juu-nana (17 y.o.) sai desu. Sa Eitoku Academy po ako, also highschool senior.
Ryosuke: wow, mayaman tong isang to. Halata naman eh... may pagka-elegante.
Direk: teka, pamangkin ka ba ni Hanata Matsuki? ( mataas na politiko )
Rahzel: ah.. opo, direk. ( medyo nahihiya pa )
Direk: ganon? okay, sige. Next.
Jeanne: (tumayo) Shiwa Jeanne desu. Juu-nana (17 y.o.) sai desu. Taga Shiori Academy din po ako. Junior nga lang po.
Manager: di halata ah... matangkad ka kasi eh.
Jeanne: ah.. ganun po? sabi nga po ng iba. hehe.
Ike: (tumayo) Mikimoto Ike desu. Juu-hachi (18 y.o.) sai desu. 19 na niyan po ako next week. Sa Fukio University po ako,
highschool division, senior.
Manager: iho, anong middle name mo?
Ike: Takahashi po.
Manager: nanay mo ba yung former model na si Takahashi Sai?
Ike: ay.. o-opo, pano niyo po nalaman?
Manager: namukhaan ko siya sa iyo eh.. tsaka fan niya ko nun.
Shizuka: ay.. ako na?
Ike: ( katabi niya lang ) ah.. oo naman.
Shizuka: (tumayo) ah... Hiou Shizuka desu. Juu-Hachi (18 y.o.) sai desu. St.Lucia Gakuen. ( high-class all-girls school )
Highschool senior. At may sirang bike.
( tawanan yung mga tao )
Direk: st.Lucia? ah.. miss Miyuki, diba diyan din po kayo nag-graduate?
Miyuki: ah, opo direk. Ano... Hiou-san, nandyan pa din ba si "lady white"? *at sabay tawa*
Shizuka: ay... opo! live and alive. ( lady white ang tawag nila sa masungit nilang principal. Puti kasi buhok niya, ni
ayaw magpakulay ng buhok. )
Direk: so... as you can see.. puro mga high-class na tao pala tong nahagilap ng mga talent scouts naten.
Ryosuke: great.... ngayon ko lang ma-e-experience na may maka-trabaho na laking sosyal.
Yuto: kasing-edad pa natin.

-fast forward-

Direk: so, guys.. anong masasabi niyo tungkol sa project natin?
( nagtaas ng kamay si Yuto )
Direk: o sige, Nakajima-kun.
Yuto: ano po... first time ko po na gumawa ng isang malaki at napaka-halagang project, excited po ako kasi halos lahat po
yata ng mga bigating veteran actors at actresses eh nandito po, tsaka magiging masaya din po ako kasi kasama ko po
halos lahat ng JUMP members, kaya di po ako malulungkot.
Ryutaro: Sa tutuo lang po direk.. excited ako sa mga bagong kasama namin, mukha pong puro magagaling sila eh.
Jeanne: ( medyo natawa )
Daiki: medyo kinakabahan po ako sa project na to kasi maraming mata ng kritiko ang nakatingin sa atin. Pagbubutihan ko po
ang trabaho ko dito.
Rahzel: first time ko po na mag-acting sa T.V. kaya kinakabahan ako, minna, alagaan niyo po sana kami ng mabuti.
Yuki: direk.. pano yan... e magaling na singer yung role ko.. e di po ako talaga marunong kumanta.
Shizuka: me ganon!?
Direk: mag-l-lipsing ka na lang.
Ike: ah... wala na ko masabi.. sinabi na nila lahat.
Manager: so... yan! tapos na ang meeting natin ngayon.. kita-kita na lang sa photoshoot!

-end-

( balik sa studio )

audience: (clap ng bonggang-bongga)
Kana: minna!!!!!!!! eto po at kasama natin ngayon ang unang guest natin sa show,... Shiwa Jeanne!
Jeanne: (hawak ang mike) ah, hello po sa inyong lahat. (smiles)
-hiyawan ang mga audience.. may mga tarpauline ang mga fans na nakasulat " we love you Jeanne " at halos mga lalaki sila.
Jun: dumagsa yata mga fans mo dito sa studio ah.
Jeanne: hehe.. oo nga po eh..
Kana: so.. Jeanne, mag-kwento ka naman about sa mga experiences mo during the filming.
Jeanne: po? ay.. madami po akong mga memories dun eh... mahirap pong mag-umpisa.
Jun: ganito na lang... i-share mo sa amin yung mga experiences mo nung first week of shooting niyo.
Jeanne: ah... ( WE LOVE YOU JEANNE!!! biglang sumigaw yung mga fans ) ah... haha.. (napa-smile bigla) kasi po, ang schedule
namin noon... MWF. Eh, summer break po namin noon, so napag-desisyunan po naming mga first-timers na magkita-kita every
Tuesday at Thursday para mag-kakilala po kami ng mas mabuti.
Jun: So.. sinong pinaka-close mo ngayon sa kanila? tsaka sino sa kanila yung mga close din sa iba?
Jeanne: Sa ngayon po, ang pinaka-ka-close ko sa kanila eh si Yuki-chan. Si Shizuka-chan po eh si Keito yung laging kasama.
si Rahzel-chan naman po tsaka si Ike-kun eh parang mag-kuya na sa sobrang close. Nung naman pong season 2, eh bigla na
lang po kaming naging isang malaking grupo. Kami pong 5, tsaka si Kazumi-chan tsaka Riku-kun.
Kana: hahaha... so... talagang sama-sama kayong mga bago sa showbiz industry no?
Jeanne: parang ganun na din po.
Jun: tanong ko lang Jeanne ah.. kasi curious tong mga fans sa studio, sabi kasi nila eh may chismis daw na may namagitan
daw sa inyo ni Nakajima Yuto during filming, well.. based sa mga experience ko nung nakapag-guest kami ng ARASHI sa set
parang may kung ano na naka-konekta sa inyo..
Jeanne: ay, ganun po? naku naman, nakakahiya naman.
Kana: so........... anong meron?
Jeanne: ayaw ko pong mag-sinungaling mga mga fans eh... during the filming po kasi eh naging crush ko po si Nakajima-san,
eh nun pong patapos na yung season 1 akala po namin hanggang doon na lang.. so.. sinabi ko po sa kanya....
( tilian ang mga audience )
Kana: oh my gosh! grabe Jeanne tapang mo ah! yung mga girls pa ang mas kinikilig sa iyo!
Jeanne: ( kamot ulo ) hehehe... yun nga po.. nun pong sinabi ko sa kanya eh sabi din niya po eh.. ayun.. (kamot ulo ulet)
Jun: na.........?
Jeanne:......... crush din niya daw po ako.
( tumili ulit ang mga audience, this time.. pati si Kana Nishino tumili din )
Kana: ay, grabe! kinikilig ako sa inyo! so.. tapos.. anong nangyari sa season 2?
Jeanne: Nung po kasing nalaman namin na may season 2, na-shock po kaming lahat. Di po namin expect na dahil sa sobrang
taas ng ratings and due to public demand, kaya nagka-season 2. medyo nagkaka-ilangan po kami kasi parehas po naming
alam na M.U. kami...
Jun: so.. ngayon.. nanliligaw ba siya sa iyo?
Jeanne: uh................ opo.
( tili ulit ang mga audience )
Jun: kailan pa?
Jeanne: nung pong final day of shooting namin. hehe
Kana: nako, siguradong headline sa mga diyaryo yang sinabi mo, well anyways. Pagkatapos ba ng HeiSei,may iba
ka pa bang naka-line-up na mga projects?
Jeanne: ah... mayroon po akong bagong show na kasama ko si Rahzel, mag-ka-tag-team po kami dun. Fantasy po yung bagong
drama, naka-schedule po yung shooting next month. Tsaka po may movie po ako kasama si Miss Miyuki, horror po siya,
minor lang po yung role ko dun.. ako po yung anak nung kapatid niya.
 Kana: mukhang padami na ng padami ang mga projects mo ah...Salamat sa oras mo, miss Shiwa. Sana makabalik ka pa sa show
na to.. kahit isang linggo lang tong show na to.
Jeanne: (tumayo at nag-bow) ah.. salamat din po. :) ah... pasensya na po, pwede po bang mag-plug?
Jun: sure :D
Jeanne: ah.. ( may binabasa na maliit na papel ) ini-invite ko po ang lahat na pumunta sa Tokyo Dome this Monday para sa
HOT'S ( kunyari sikat na girl band yan ) concert, guest nila po ako dun. Free lang po ang pass dun kaya wag niyo pong
bibilhin yung mga nag-a-alok ng mga ticket, lalo na po yung may "free backstage pass" daw. This afternoon din po may
mall show ako kasama ni Rahzel sa Shibuya 101 starting 3 p.m. Thank you to Etude House for my make-up, Ms.Suzuki for
my hair, Beni Lola for my really cute outfit.. talagang nagustuhan ko po ito. Sa aking maalagain na manager, na
manager din po naming lima, miss Reiko Hanasegawa. Salamat sa mga fans na nagpunta dito and kay mama ko. Salamat po!
Kana: hay.. naalala ko nung nag-u-umpisa pa lang ako dito sa showbiz, ganyan na ganyan din ako! hahaha
Jun: so... manuod tayo ulit ng ilan sa mga nakakatawang behind-the-scenes footage nila offcam... Go VTR.

- CheongSomDam, South Korea -

Ike: ( hawak ang camera )
Shizuka: ( nakatutok sa camera na hawak ni Ike ) hello po! Shizuka here.... (medyo tumatagilid yung camera).. uy.. Ike,
iharap mo naman daw sa akin... tumatagilid hawak mo eh.
Ike: ( boses lang ang naririnig.. syempre ) ah.. ganon? sensya na. ( inayos ang hawak ng camera )
Shizuka: ayan!~ hello ulit! Si Shizuka po ito. First day ng shooting namin at masyado akong excited. Nasa Korea po kami
ngayon, akalain mo yun!
Ike: ( tinapat ang camera sa mukha niya ) hello po! Si Ike Mikimoto po ito. Nasa CheongSomDam, South Korea po kami ngayon
at naghihintay na lang po kami ng tawag ni direk para mag-umpisa ng shooting. Kinakabahan ako ng malaki kasi first time
kong mag-acting ng totohanan. Buti na lang marunong kaming lima mag-Korean, ne, Shizuka?
( napansing may ibang ginagawa si Shizuka )
-oy.. anong ginagawa mo diyan?
Shizuka: ang lamig kaya! ( kinikiskis pala niya yung palad niya para uminit ) tapos, mag-s-shorts lang ako tsaka converse
na low-cut.. ba't naman kasi masyadong wierd tong character na to... ang lamiiiiiiiiiiiiiiiiiiig!!!!!!
Ike: hahahahahahahahahahahahahahahahaha
Shizuka: tsaka yung BARIL.... ang bigat masyado! ba't kasi 4 KILOGRAMS yung baril nung busit na Shizuka na yan... aish!~
Ike: ( tinapat ulit yung mukha niya sa camera ) masyado pong mabigat yung tutuong baril ni Shizuka kaya toy gun na lang
yung pinagamit.. tsaka kung yung tutuong baril din yung gagamitin wala din bala. Masyado kasing mahina tong babaeng to
at hindi niya mabuhat kahit yung 2 kilos lang.
Shizuka: ( sumingit sa camera ) tignan mo to... ikaw din naman di mo mabuhat eh! ( binatukan sa ulo )
Ike: ( nadala sa batok ni Shizuka ) oy! yung camera! ( muntik mahulog ni Ike yung camera ) kinabahan ako dun ah! wala akong
pambayad nito no! hiniram lang natin ko dun sa isang cameraman.
Shizuka: okay lang.. hindi naman ako yung magbabayad eh.. hahahahahaha
Ike: loko talaga to.
Direk: oy! kayong dalawa.. tama na yan! shoot na!
Ike/Shizuka: opo!

- take 1 -

-naka-ready na yung extrang tatakutin dapat ni Shizuka at naka-stambay sa may tabi ng isang tindahan sa palengke,maya-maya

Shizuka: (nag-a-acting na) bitiwan mo ako.
extra ( Siga ): hah?!?! di kita marinig, paki-lakasan nga!
Ike: *sigh* patay, mainit na ulo niya.
Shizuka: ( sa part na to, bubunutin na niya ang baril niya at tsaka mag-m-mura ) eh GAGO-... ah.. nasaan yung baril?
Direk: CUUUUUT! Shizuka, saan mo nilagay yung baril?
Shizuka: ah.. sandali lang po direk.. hala! naiwan ko sa bag ni Ike! sandali lang direk.. kukunin ko.
Ike: oy! ba't nasa bag ko yun!?

- take 2 -

( sa part na to, dumating na yung pulis at isasama na papuntang presinto )
Pulis: alam mo miss, hindi kita maintindihan.
Ike: Shizuka, tama na yan.
Shizuka: ( kina-kareer ang role ) hoy, lalaking mukhang tsonggo, 2 things. 1st, ayoko nang makita yang pagmumukha mo dito.
2nd, hindi ko boyfriend tong chipmunk na to, okay?
Ike: hoy, tama na yan.... teka.. sinong tinatawag mong "chipmunk"?!?! ( ang kyut ng reaction ng mukha niya sa screen )
Pulis: akin na baril mo.
Shizuka: o, eto! laklakin mo! ( iaabot na ang baril ) ah. hehe.... ( wala na sa acting ) direk.. naiwan ko yata ulet.
Direk: CUUUUUUUUUUT! ay nako, ikaw talaga Shizuka. Kunin mo na nga.

-SCENE 9-

Rahzel: Yuki-chan, ano yang hawak mo?
Yuki: CA-ME-RA :D hehehehe
Rahzel: naka-topak ka na naman eh.
Yuki: natural.. anong oras na kaya... alas-onse (11:00) na ng gabi eh...
Rahzel: so... pag ganitong oras talagang may sapi ka.. ganun?
Yuki: medyooooooooooooooooooooooooooooo
Rahzel: *sigh* ( tumingin sa camera ) kung man pong isasama niyo to sa backstage special, pagpasensyahan niyo na po sana si
Yuki, masyado lang po kasi madaming kinain to kaninang dinner namin kasama ng crew.

-action!-
( eto yung scene na nakita sila ng mga grupo ng siga halos hatinggabi pagkatapos nilang pumunta ng amusement park )
siga1: oo naman miss... let's have some fun~
Yuki: ( galing mag-acting ) bitawan mo ako ( halatang inosente ang role )
Leader: ( lalong hinigpitan kunyari ang hawak sa kamay ni Yuki ) sige na, sandali lang naman tayo eh..
( sumigaw si Yuki at tinadyakan sa... yeah! yung leader ng mga siga )
Leader: ARAYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!!!!!!!!!!!
...................................
ilang segundo na ang lumipas pero hindi pa rin sinasabi ng extra yung susunod yang linya... ( ikaw..!!! ) at yun ang signal
para pumasok sa eksena si Shizuka
Ike: ( nasa may tabi ng cameraman ) direk... tingin ko i-cut niyo po muna.
Shizuka: nainip na ko ah.
Direk: bakit naman Ike?
Ike: mukhang natotohanan yata ni Yuki yung sipa eh.
( narinig ni Yuki yung sinabi ni Ike at agad tumingin sa extra )
Direk: CUUUUUUUUTTTTTTTTT!!!!!!!!!!
Yuki: nako pooo!!!!!!!!!!!!! kuya.. sorry talaga.. sorry po talaga.. di ko po sinasadya.. na-carried away lang po talaga
ako ng role ko eh... sorry po talaga!!!! ( nangingiyak na yung mga mata niya )
extra: ( naawa ) ah... okay lang po mam. Aksidente naman po iyon eh.. okay lang po talaga iyon mam.
Yuki: sigurado ka? tatawag kaming ambulansya gusto mo?
extra: ay.. wag na po 'mam. Nakakahiya.. okay lang po talaga 'to, mam. Ayos lang.

-HEADQUARTER'S NILA SHIZUKA-
Direk: action!
Shizuka: kamusta yung mga pinapa-ligpit ko sa inyo? ( with matching angas na catwalk )
Ike: naligpit na.
Shizuka: Good. Oo nga pala, pupunta ako sa Japan bukas?
Ike: ( nakatalikod.. biglang humarap kay Shizuka... puppy-dog-eyes mode ) biglaan yata.
Shizuka: wala lang, gusto ko lang magbakasyon.
Ike: ( sad mode ) ganun....
PA: ( nasa backstage ) direk.. mukhang magaling magpa-kyut sa harap ng camera tong isang to.
Direk: hula ko maraming magiging fangirls tong si Mikimoto.
PA: siguradong bebenta yan sa mga highschool girls. ( at nagpatuloy lang sila na panuorin ang acting )
Shizuka: ikaw na muna ang bahala dito sa headquarters habang magbabakasyon ako.
Ike: ah... eh.. ilang araw ka ba mawawala?
Shizuka: this entire summer vacation.
Ike:...... ( sad mode ulet ).. ok, sige.
Shizuka: ( naglalakad ) aayusin ko muna lahat ng kailangan kong gawin dito bago ako umalis. ( papunta sa motor niya )
Ike: hoy! turuan mo muna kami ng dancesteps para sa competition bago ka umalis, hindi lang gangsters ang PLAINS... DANCERS
din tayo.
Shizuka: alam ko... eto na....
Direk:...... and........ CUT!.. magaling, Shizuka at Ike. Sige, pahinga muna kayo.
Shizuka at Ike kasama ng PLAINS: okay guys.. 1, 2, 3... SHEMBOT! ( biglang nag-s-shembot sa set )
Rahzel: (naka-upo sa may tabi) ganyan pala sumayaw ang pinagkakaguluhan na PLAINS, ah?
Yuki: ano ba talaga?  gangster ba talaga kayo o BOY GROUP? Talo niyo pa ang SUPER JUNIOR sa mga hitsura niyo eh.
Ike: syempre, ganyan talaga pag gwapo ka.
Rahzel: ano? ano daw? Ike is dat yu?
Shizuka: kung sila gwapo, e anong tawag niyo saken? edi DIYOS NG KAGWAPUHAN? tsk.. naks.. gwapo ko talaga.
Rahzel: isa pang naka-topak.

- back to Japan -

( eto yung scene na nasa rooftop ng Horikoshi ang mga JUMP members at hinihintay bumalik si Yamada )
Direk: one, two, three... and ACTION!
Chinen: ang tagal naman ni Ryosuke,
Yuto: baka UMUWI na yuuuuuuuuuun~
Chinen: hindi naman siguro,
Yamada: ( tumatakbo papunta sa kanila )... HOOOOOOOOOOOOOY- ( isang hakbang na lang sa hagdan kaya lang nasubsob si Ryosuke
... yung ulo niya nakipag-face-to-face sa sahig. )
Yuto and others: ( pinipigilan ang tawa )
Direk: CUUUUUUUUUT!!!!!!!!
Yuto and others: BWAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!!!!! ( sumasakit na ang tiyan sa kakatawa )
Ryosuke: sorry po direk!
Direk: *sigh* hay,.. okay lang... di naman natin maiiwasan iyan eh.

- bahay ng mga HIOU -
( offcam )
Jeanne: ( may hawak na camera ) ( ni-r-record ang sarili ) eto po, ang magiging bahay ng mga Hiou sa HeiSei. Sobrang laki
po at sobrang ganda ng bahay na to, sabi po nila, yun daw pong may-ari ng bahay eh tatay nung kaibigan ni Shizuka.
Ang ganda-ganda lang po talaga ng bahay na to kaya vini-video ko.
( NOTE: yung kaibigan na yun ni Shizuka eh si Moritaka Kazuki, magkakilala sila in real life, nakita siya ng direk na
pauwi sa bahay nila galing eskwela at dun siya na-discover )
Dito din po ang first appearance ko sa show, kaya super excited ako. ( napansin na yung part ng bahay na yun eh puro
glass yung pader... makikita yung magandang garden sa labas... papuntang swimming pool... tinutok niya yung camera sa
salamin at kumaway sa reflection nito ) o sige.. ganito muna ne? babay! :D

- at nag-shooting na sila: sa first appearance ni Jeanne kasama niya ang maraming extra's na mga kamag-anak ng Hiou family.
and later lang siya magkakaroon ng solo appearance.

- TOKYO DOME -

( yung scene na mababangga ni Chinen si Yuki at magkikita sila for the first time )
Yuki: (tumayo sa upuan para ayusin ang sandals niya.. yun ang signal para tumakbo si Chinen at mabangga si Yuki)
Chinen: ( tumatakbo )...( kinareer yata ang pagtakbo.. ayun... ang lakas ng tulak.. imbes na magmukhang matatapilok si Yuki
eh nadaganan niya ito )
Direk: CUUUUTTTT!!!
Chinen: nako.. sorry talaga!
Yuki: masakit yun ah...
-take 2-
Chinen: ( tumatakbo ulit at sinisiguradong di malakas ang pagkakatulak niya kay Yuki )
Yuki: ( naka-pwesto na para magmukhang matatapikok )
Chinen: ( napa-usog ng konti at ng itutulak na niya si Yuki... hangin ang natulak niya.. di niya natantsa yung distance at
hindi niya naabutan si Yuki.. ayun... nag-slide sa sahig )
Direk: CUUUUUUUUUUUTTTTTTTTTT!!!!!!!!!!
Yuki: pang-ilang take na natin to?
Chinen: sorry po talaga direk. ( kamot ulo )

- DRESSING ROOM -
( dito unang-nag-guest ang buong Hey!Say!JUMP at gumawa ng cameo para sa eksenang ito.. yung eksenang mag-c-concert sila )
Chinen: ( nag-a-acting na ) sorry late ako.
Hikaru: Chinen...? CHINEN!
Chinen: sorry talaga.
Hikaru: ( hinahatak si Chinen sa racket ng mga costumes ) dalian mo at magbihis ka na.
Chinen:.. ah.. ok.
Daiki: ( pumasok sa room ) o, ba't late ka?
Chinen: nakita ko kasi ang dreamboy ko.
Daiki: dreamboy? ( ni di man lang nila napansin na mali yung nasabi ni chinen )
Chinen: basta... ( nag-smile )...
Ryosuke: ( nasa likod ng isang camera ) direk... ba't DREAMBOY yun? diba dapat dreamGIRL?
Chinen/Daiki/Hikaru: ( nagtinignan sa isa't-isa )
Direk: CUUUUUUUUUUUUUUTTTTTTTTT!!!!!!!!!!!!!
Daiki: so, chinen.. lalaki na pala tipo mo ngayon ah...
Chinen: ( nahihiya sa sinabi niya ) hindi!!!! ( namumula yung mukha )
Hikaru: hala.. bading ka na...
Chinen: heh!
Ryosuke: tsk tsk tsk... tiwalag na si Chinen..
Chinen: ( hiyang-hiya na ) CHE!!!!
Ike: ( nasa likod ni Ryosuke ) oy Yuki o! yung partner mo mas gusto pa ang lalaki kaysa sa iyo!
Yuki: ( na-gets na nag-j-joke si Ike... at naki-ride ) Chinen-kun.. hindi ko pala alam na ganyan ang mga tipo mo... dapat
sinabi mo agad sa amin at nang mas naintindihan ka namin ng maigi.
Chinen: sige pag-tripan niyo pa ako!!!!
staff: ( tawanan silang lahat )

-SCENE 7:-

( eto yung scene na mag-w-walk-out na sana sina Shizuka at Yuki kaya lang nakita nila si Yamada and company )
Shizuka: ( acting mode ) tsk. kapag minamalas ka nga naman.
Ryosuke: teka.. ano bang problema mo hah miss?
Shizuka: wala naman.
Yamada: alam mo... kanina ka pa eh. ( mukhang nawawalan na ng pasensya... )
Shizuka: ( nang-i-inis ang facial expression ) So?
( tinulak ni Shizuka si Yamada tsaka dumaan sa gitna nila ni Yuto at Ryutaro... tumatabi lahat ng tao pag dumadaan siya nang...)
 PLANK!
Shizuka: ( natapilok at ang panget ng pagkakahulog ng ma-out-of-balance sya sa elganteng catwalk ng character niya )
Direk:  CUT!
Shizuka: ba't kasi kailangan pang mag-high-heeled boots ni Shizuka... tsaka ba't niyo pang tinuruan mag-catwalk yon!?!?!?!
ang hirap naman gampanan ng role niya... djfaektgfawtdg ( nag-iinarte na naman )
Keito: ano.. okay lang yang paa mo?
Shizuka: ewan ko... siguro................ hindi.
Ryutaro: ang pagiging gentleman ni Keito... haay.... plus points yan sa mga fangirls ni Keito na makakapanuod ng
backstage special.
Yuto: grabe.. iba talaga pag laking England ka. Punta din kaya tayo dun?
Ryosuke: ikaw na lang.. mahal papunta dun no.

-HORIKOSHI HIGH-

( yung scene na opening ng school year at gagawa ng grand entrance sina Yuki sa school )
Shizuka: ( tinanggal ang helmet... pa-cool effect )
Guy1: grabe pare.. ang HOT niya!
Yuki: ( eleganteng bumaba ng kotse )
Girl1: sis... tingan mo.. mukha siyang barbie doll! kainggit!
-maya-maya...-
Ryosuke: yung babaeng yun?! dito mag-aaral?! NO WAY!!!!!
Yuto: anong, "no way" ka diyan. ( tinignan si Shizuka ) yung babaeng yun? iyon!?! grabe ang ganda... JACKPOT YAN!JACKPHUU~
( tumalsik yung malaking portion ng laway niya kay Yamada )
Ryosuke: aish! kadiri ka Yuto! ( tinatanggal ang laway sa mukha niya )
Yuto: sensya na! tao lang.. nabubulol.. naiiipon ang laway sa bibig.. di sinasadyang-
Ryosuke: ay! tigilan mo nga yan.. kadiri ka pakinggan.

-offcam-

Daiki: ( hawak ang camera ) eto po tayo at manghihimasok ng buhay ng may buhay habang break time namin sa shooting.
( unang pinuntahan ni Daiki sina Ryosuke at Ryutaro na naglalaro ng PSP )
Daiki: ( syempre.. boses lang ang naririnig ) oy.. ano na namang laro yan? naka-wireless mode pa yata kayo?
Ryosuke: mamaya na lang Daiki ( di napansing naka-record sila ) busy kami dito.. nananalo na ko eh.
Daiki: di kayo magpapahinga?
Ryutaro: kuya Daiki.. eto na yung pahinga namin. Parang di ka na nasanay sa amin.
Daiki: o sige... magpahinga na kayo diyan. ( lumipat ng location.. tinarget naman si Rahzel )
Daiki: o Rahzel!
Rahzel: ( tahimik pa rin kahit off-cam na ) ah.. hello po. ( nag-bow sa camera )
Daiki: mamaya na yung eksena naten. Galingan natin ah...
Rahzel: ah... ah! opo.
Daiki: naku.. mukhang nahihiya pa yata siya sa harap ng camera.. sige.. lipat na lang tayo ng ibang pag-t-tripan. YOSH!
( at pinuntahan ni Daiki si Chinen )
Daiki: oh, Chi-... tulog. Sige.. sa iba na lang tayo ulet.... IKE!!!!!!
Ike: ( may kausap sa cellphone ) ah.. sige.. mamaya na lang.. naka-record kasi ako eh. Sige.. babay... love you too :DDD
Daiki: uy Ike.. sino yung kausap mo sa phone? siguro GIRLFRIEND MO NO?
Ike: single ako ngayon.
Daiki: eh sino yung kausap mo?
Ike: nanay ko yun!
Daiki: .......... ah......... NANAY mo.
Ike: edi wag ka maniwala... ganyan talaga kami ng nanay ko.. nag-a-i love you kami lagi. Sweet namin no?
Daiki: oo na kayo na sweet ng nanay niyo................ ay... boring din tong isang to. Sayang.. wala ngayon sa set si
Jeanne.. para may kasama akong nang-g-gudtime dito... ah.. si YUKI!
( hinanap si Yuki )
Daiki: Yuki! nasaan kaya yung babaeng yun? ( na-ispatan din niya si Yuki na nagmamadaling pumunta sa kung saan ) uy!
Yuki: ah.. mamaya na Daiki na-j-jebs ako.... ( napansing may hawak na camera ) ah.. naka-record ba yan?
Daiki: hehehehe
Yuki: iiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiieeeeeeeeee!!!!!! i-cut niyo to!! i-cut niyo yung part na to! nakakahiya yun!
Daiki: sige.. sabihin mo na lang dun sa editor ng backstage special.
Yuki: o sige sasabihin ko.. mamaya na lang talaga ... na j-jebs na talaga ako eh.. sige babay! ( at kumaripas ng takbo )
Daiki: ( tinapat ang camera sa mukha niya ) hay... sino pa bang di ko nakukunan?.. ah! alam ko na!
( nagmamadaling pumunta sa kabilang daan ) oy! Shizu-...
Keito: sshh... wag kang maingay.. tulog o.
Daiki: ikaw ah.. masyado ka nang gentleman.. baka ibang "gentleman" na iyang pinapakita mo?
Keito: BALIW.
Daiki: Buti magkasama kayo diyan? o di naman kaya.... (gasp) ikaw ah... may hidden motive ka pala... tsk tsk tsk.
Keito: Daiki........ ( scary voice )
Daiki: ok! joke lang po. joke lang po. Pwera biro.. buti kasama mo siya?
Keito: nagpapatulong mag-memorize ng linya... masyado pa daw kasing bago sa kanya yung ganito eh.
Daiki: aaaaaaaaaahhhhhhhhh...............................
Keito: ba't parang iba yung tono ng "ah" mo?
Daiki: hindi.. imagination mo lang yun.
Keito: isa......
Daiki: dalawa.. hehehe
Keito: mr.Arioka.... ( with matchig british accent )
Daiki: nosebleed yang accent mo. Oo na... nag-j-joke lang naman ako eh.
Keito: hindi na nakakatawa yang joke mo.
Daiki: sorry naman daw, bro.
Keito: ( biglang tumawa ) haha.. tingin mo galit na ko nun? hahahaha.. .PEYK!!!!
Daiki: l-loko to ah... oo na! nadale mo ko dun.
Keito: hahahahahahahahha ( masakit na ang tiyan sa kakatawa )
Shizuka: ( tulog pa rin )

-end-

( balik sa studio )

Jun: okay! mga audience... ngayon naman e may bago tayong guest!
Kana: sino naman Jun-kun?
Jeanne: ah... mukhang kilala ko na yan. ( nasa studio pa rin )
Jun: kung tingin mong tama ang hula mo, Jeanne, please welcome.... Arioka Daiki!
( sigawan ang mga audience )
Daiki: ( kumakaway habang papasok sa studio ) hello po, everyone :)
Kana: ah.. upo ka dito sa tabi ni Jeanne-chan.
Daiki: ah... ( paupo na ) salamat po.
Jeanne: sabi ko na nga ba ikaw eh! ( sabay tapik sa balikat )
Daiki: pano mo nalaman?
Jeanne: ayan yung mga fans mo o. ( sabay turo sa mga nagsisigawan niyang mga fans )
Daiki: ah.. oo nga no... hehehehe
Kana: masyado talagang updated ang mga fans ng HeiSei no? partner?
Jun: tama ka diyan partner, so, Daiki... first question namin sa iyo...kamusta ang mga experiences mo sa HeiSei?
Daiki: ( hawak ang mike ) ah... actually... may malaking part ang HeiSei sa buhay ko ngayon.
Kana: pano mo naman nasabi yan?
Daiki: kasi po... marami akong mga lessons na natutunan sa set... gaya nang kung paano mag-pasensya ( yung role niya na
laging nagpapasensya kay Shizuka ) paano makipag-bonding ng mas madali at kung paano magparaya.
Jun: ang deep! di ko ma-reach..
( tawanan ang mga audience )
Jun: ah.. joke lang po... kayo naman...sige Daiki.. mag-kwento ka pa.
Daiki: nung first shooting po namin eh kabado po kaming lahat kasi alam po namin kung gaano kabigat itong project na to.
Jeanne: ( katabi lang si Daiki ) kasi po sa dami ng mga veteran actors and actresses.. and marami din po kaming mga kasama
na magagaling din at respetadong Korean actors.
Daiki: lalo na nung season 2.
Jeanne: ay.. oo! nung nakasama namin yung ilan sa mga cast ng "SuperGirls".
Daiki: grabe ang gaganda at ang gagaling nilang lahat.
Jeanne: nagsalita ang hindi magaling!
Kana: ay.. that reminds me, Daiki.. ano ang feeling mo na na-nominate ka bilang best drama actor dahil sa part mo na nag-ka
cancer ka sa show?
Daiki: ah.. yun po? di ko po talaga expect na ako yung ma-n-nominate kasi ang akala po naming mga JUMP members eh sina
Yuuri po o Ryosuke yung ma-n-nominate kasi mas ma-drama ang roles nila sa akin.
Jun: pero dahil magaling ang direk niyo at gumawa siya ng isang napakalaking twist sa season 2.
Daiki: ah.. nasa direk din po kasi madalas ang motivation namin eh.
Kana: pero sa tutuo lang Daiki... magaling yung display of character mo sa Season 2... pati ako nun napaluha dun sa part
na nalaman mong may colon cancer ka~
Jun: weh?
Kana: oo kaya!... lagi akong nanunuod ng HeiSei no! kaya nga host ako dito eh.
Jun: o.. sige na di na kita aawayin.
( tawa lang ng tawa sina Jeanne at Daiki )
Kana: so, Daiki.. sino sa tingin mo yung pinaka-nag-effort sa inyong lahat during season 1?
Daiki: ah.. kung ako po yung tatanungin.. sa tingin ko po... sina Yuki at Chinen.. kahit mukha pong madali.. mahirap i-portray
ang tandem nila...kailangan noon ng maraming emotional aspects so mahirap kuhanan ng inspiration yung ganun.
Jun: sa bagay.. tama si Daiki dun.
Kana: e kung sa season 2 naman, tingin mo sino?
Daiki: uhm.. sina Ike at Shizuka po.
Jeanne: kasi po kung throughout the season eh naka-wig ka at pang-lalake na role.. mahirap pong i-portray yon.
Daiki: tsaka naman yung pagkaka-hypnotize mo... mahirap din sa iyo yon diba?
Jeanne: talaga lang. Kailangan pa namin kumonsulta sa tutuong pyschologist para sa part na yun ng role ko.
Daiki: pero above all.. im sure lahat kami sa season 2 eh binigay yung best shot namin.
Jun: e ikaw naman Jeanne tingin mo sinu-sino yung mga pinaka-nag-effort per season?
Jeanne: ako po... kung sa season 1... si Yuki at Kazuki naman po.
Kana: ay.. oo,.... yung batang iyon... paano mo nasabi?
Jeanne: kasi po bigla na lang po siyang sinama ni direk sa cast call.. nung isang araw pong nakita niyang pauwi si Kazuki
sa bahay nila galing St.Anthony ( all boys private high-class school ) habang nag-s-shooting sina mr.Ishiguro.
Daiki: nung una po nahihirapan siyang mag-adjust sa set pero nung pong umpisa ng season 2....
Jeanne: ayun.. mas magaling pa siya sa amin.
Daiki: kaya nga sobrang dami ng fans niya sa Facebook eh.
Jeanne: noong season 2 naman po masasabi ko yung pinaka-nag-effort eh.. si Daiki, syempre at si IKE.
Daiki: kawawa nga si Ike eh.. ang challenging masyado ng role niya.
Jeanne: pagka-tuka sa talangka... mawalan ng ngipin.. at kung anu-ano pa.
Jun: teka ah.. nasabi niyo na lang din.. maiba tayo. Diba mamayang gabi na yung New Generation awards? Ayon sa source namin
eh marami daw sa cast niyo ang na-nominate sa maraming respetadong categories.
Daiki: ah.. opo.
Kana: pwede mo bang i-enumerate sa amin yung ilan sa alam mo?
Daiki:  ah... opo. Si Shizuka at Ike po for breakthrough actor/actress, Yuki/at ako po for best drama actor/actress,
Rahzel and Yuto po for best supporting actor/actress, Jeanne/Kazuki/Riku for best newface actor/actress, Yuki/Chinen at
Shizuka/Ike po for best onscreen couple, Ryosuke po for best lead actor, Jeanne po ulit at Keito for people's choice,
at HeiSei po for best drama of the decade and for best motion picture.
Kana: nako... diyan pa lang eh makikita mo na talaga yung success ng show! im very proud of you guys..
Jeanne/Daiki: ah.. salamat po.
Jun: despite the fact na most of you eh baguhan lang sa showbiz... eh nagawa niyong maabot yang ganyang klaseng success.
and to think na most of you are still in their late teens.
Jeanne: oo nga po eh.
Kana: well... maraming salamat for both of you... magbabalik pa po ang HeiSei backstage special! :D
Jun: wag po kayong aalis.

( at sigawan ang mga audience )

Labels:


HEISEI
the backstage special

ヘイ!聖の公式サイト!舞台裏映像、独占インタビューやプライベート映像素材です。
(The official site of Hei!Sei!'s behind-the-scenes footage, exclusive interviews and private footages.)
HEISEI
advertisments:

サイトの公式パートナーと広告.


AFFILIATES
official partners:
公式パートナー




©HeiSei.tv.jp|2011
Hei!Sei! OFFCAM